Gensan Tuna Festival 2017

 

tuna festival dito sa amin mula september1-5 isa ito pinanabikang araw ng mga taga lungsod ng general santos lalo na ng mga kabataan, halos lahat ng kasamahan ko ay nakapunta na kaya naman hindi na ako magpapa awat pa off duty muna at ako ay makikisaya muna sa huling araw ng festival. malungkot nga lang kasi ang daming event na hindi ko napanood. 


 

ilan lamang yan sa mapapanood dito sa oval plaza, madali lang naman laruin ito ang kailangan ay shooter ka, hehehe sa bawat bola na matatamaan ng baril mo ay may katumbas na premiyo. 






sa gabing ito ng aking pamamasyal wala kang maririnig kundi ang napakasarap na tawanan ng mga bata na para bang wala ng katapusan ang mga sandaling yon, hayy ang sarap maging bata walang ibang iniisip kundi ang mga paborito nitong palabas at mga laruan. Naalala ko nong ako ay bata pa pagkalabas ko ng skwela ay tatakbu na akong pauwi ng bahay atat na atat akong manood ng detective conan, hunter X hunter yon ang mga paborito kong cartoons na palabas tuwing hapon, at ganon din kapag ako ay  may bagong laruan ang una kong gagawin ay ipagyayabang sa aking mga kalaro. hahaha... ang sarap maging bata,



Comments

Popular Posts