Saranggani Province

Isa ito sa pinakamagandang parte ng Saranggani Province mula sa taas ng bundok na ito na kinatatayuan ko natatanaw ang malawak na taniman ng niyog sa baba at nakikita rin ang pag-agos ng isang maliit na ilog na nagmumula pa sa mga kabundukan. pagtatanim ng mga mais, niyog at ibat-ibang pananim ang garaniwang gawain ng mga tao dito kasama na doon ang pag-gawa ng uling, ng walis at iba pang mga productong gawang kamay. Tanging yon lamang ang pinag kikitaan ng mga taong naninirahan dito. 
kung napapansin niyo ang daanang ito ay nasa taas ng isang bundok. Kailangan na maging maiingat sa pagpapatakbo ng sasakyan dito siguraduhin din na gumagana ang brake ng sasakyan dahil sa pataas pababa ang daanan na ito sa bundok. kailangan naming akyatin ang pitong bundok bago namin mararating Baryo ng Tuak. Sinamahan namin ang isang ama na maghahatid ng sustento sa kanyang anak na nasa taas ng bundok, sinamantala ko narin ang magandang tanawin para maka pag blog.




Comments

Popular Posts