Muslima ang labing isang payo

1 Sambahin mo si Allah lamang ayon sa paraan ng mga pagsambang Kanyang itinakda na nasasaad sa Kanyang aklat, ang banal na Qur'an, at sa katuruan ng kanyang Propeta na si Muhammad (SAS).
2. Mag-ingat ka na mahaluan ng Shirk ang iyong paniniwala at pagsamba sapagkat ang Shirk ay nagiging dahilan kung bakit hindi tinatanggap ni Allah ang gawa ng tao at ito rin ang nagbubulid sa kanya sa kapahamakan.  
3. Mag-ingat ka sa Bid'ah maging iyon man ay sa pananampalataya o sa pagsamba sapagkat ang Bid'ah ay pagkaligaw at ang naligaw ay mapupunta sa Impiyerno. 
 4. Gampanan mo ng maigi ang iyong mga Salah sapagkat ang sinumang nangangalaga at 
gumaganap sa mga ito ay lalo pang maingat sa iba pang mga bagay bukod pa sa Salah at ang sinumang nagpapabaya sa Salah ay lalo pang pabaya sa iba pang mga bagay bukod pa sa Salah. Panatiliin mo ang kalinisan sa Salah, at isagawa ito ng maayos at may kababaangloob. Huwag mong ipagpaliban ang pagsasagawa ng Salah sa takdang oras nito sapagkat kapag naging tanggap ang Salah ng isang tao, tanggap lahat ng kanyang gawa; at kapag nasira ang kanyang Salah, sira rin ang lahat ng kanyang mga gawa.
  5. Sundin mo ang iyong asawa. Huwag mong tanggihan ang kanyang kahilingan at huwag mong suwayin ang kanyang ipinag-uutos at ipinagbabawal hanggat hindi ka niya inuutusang suwayin si Allah at ang Kanyang Sugo (SAS). 
  6. Pangalagaan mo ang kanyang karangalan at ari-arian kapag wala siya at ihanda mo ang iyong sarili kapag siya ay dumating
  7. Maging mabuti ka sa iyong kapitbahay sa salita at sa gawa upang maitaguyod ang mabuti at mahadlangan ang masama.
  8. Manatili ka sa iyong bahay at huwag lumabas maliban na lamang kung kailangang-kailangan. At huwag kang lalabas na hindi suot ang Hijab.
9. Magpakita ka ng kabutihan sa iyong mga magulang. Pigilin mo ang iyong sarili na makasakit sa kanila sa salita man o sa gawa. Sundin mo sila hangga't ang ipinag-uutos nila sa iyo ay hindi salungat sa Islam. Subalit kung ang ipinagagawa nila sa iyo ay hindi naaayon sa Islam, huwag kang sumunod sapagkat walang pagsunod sa utos na labag sa Islam.
10. Pagtuunan mo ng lubos na pansin ang iyong mga anak. At iyon ay sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanila na maging matapat, malinis , magalang sa pananalita at kilos. Turuan mo rin sila ng magandang asal at kapuri-puring pag-uugali at pagsapit nila sa ikapitong taong gulang ay utusan mo na silang magsagawa ng Salah.
  11. Paramihin mo ang iyong Dhikr at ang pagbibigay ng Sadaqah. Ang Sadaqah ay ibinibigay sa nangangailangan at ito ay buhat sa sumobra sa pangangailangan ng iyong sarili, asawa, at anak. At maging kaunti man ito ay mabuti pa rin.

Comments

Popular Posts